Noong Agosto 13, 2024 ang City Government ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla sa pamamagitan ng Office of The City Civil Registry (CCR), HOPE Foundation, at SPTA ay nagsagawa ng “Libreng Late Registration ng Birth Certificate” para sa mga Bacooreño.
Personal na nanguna sa programa sina Mayor Strike B. Revilla, Ma. Theresa Cameros ng CCR, Dra. Cristina Alberto ng HOPE Foundation, at Kag. Cherry Torres ng Federation PTA.
Nakiisa sa aktibidad ang mga Hope Volunteers, opisyal ng SPTA, mga mag-aaral at mga magulang, meron din pong walk-in applicants. Layunin ng programa na mabigyan ng libreng late registration ng Birth Certificate ang mga residenteng Bacooreño, partikular na ang mga estudyante upang maging kompleto ang kanilang mga kinakailangang dokumento sa paaralan.
Ang nasabing inisyatibo ay isang programa na prayoridad ni Mayor Strike B. Revilla sa pagtataguyod ng serbisyong mapagkalinga at pagpapahalaga sa edukasyon at kapakanan ng mga mamamayan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.