Sa kabila ng masamang panahon nitong nagdaang mga araw, Labim-pitong (17) trainees ang matiyagang nagtapos ng Computer Literacy Training sa Bacoor Computer Center.
Sa ilalim ng Tech4ED Program ng DICT Region IVA, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, ay patuloy na naihahatid sa mga mamamayang Bacooreño ang serbisyong pagbibigay ng kaalaman tungkol sa paggamit ng computer at ng iba pang makabagong teknolohiya.
Lubos ang aming pasasalamat at pagbati sa mga trainees sa kanilang pagtangkilik ng mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ni Mayor Strike B. Revilla.
Naway patuloy kayong sumuporta sa mga programa ng ating Pamahalaan, dahil sa Bacoor…At Home Ka DIto!