Bacoor City, January 8, 2025 – Matagumpay na naisagawa ang ikalawang batch ng pamamahagi ng taunang financial aide para sa mga Senior Citizens sa Bacoor Coliseum. Pinangunahan ng City Government of Bacoor ang programa sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola. Naroroon din sa kaganapan sina Coun. Reynaldo Palabrica, dating Barangay Chairman Udoy Brillantes, at Atty. Venus De Castro, ang pinuno ng OSCA.
Higit sa 1,600 Senior Citizens na residente ng Barangay Molino 3 ang nakinabang sa ikalawang batch ng programang ito. Ito ay bahagi ng pangako ng City Government na bigyan ng karagdagang suporta at pangangalaga ang mga nakatatanda sa lungsod.
Nawa’y patuloy na mapabuti ang buhay ng mga Senior Citizens ng Bacoor sa pamamagitan ng mga programang ito. Mabuhay po kayo!
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.