Bacoor City, October 16, 2024 – Ang “Bakuna Eskwela”, isang programa ng Department of Education (DepEd) at ng City Government of Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, sa pamamagitan ng Office of the City Health Services (OCHS) sa pamumuno ni Dra. Ivy Marie Yrastorza, ay naganap sa Longos Elementary School. Layunin ng programa na tiyakin ang ligtas at mabisang bakuna para sa mga estudyante ng Longos Elementary School, bilang isang hakbang sa pagpapalakas ng kalusugan ng mga bata sa Bacoor.
Ang mga estudyante ng Longos Elementary School, kasama ang kanilang mga guro, ay aktibong nakibahagi sa programa at nakatanggap ng libreng bakuna.
Ang “Bakuna Eskwela” ay nagpapakita ng pangako ng City Government of Bacoor na pangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan at magbigay ng ligtas at maayos na edukasyon para sa lahat.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.