Bilang paghahanda sa inaasahang masamang panahon na dulot ng Bagyong Pepito, ang Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office ay naglaan ng mga ilang kagamitan pang-rescue para sa mga piling Barangay na mataas ang antas ng pag-baha.
Patuloy ang pag iikot sa mga Barangay at Dam na nasasakupan ng Lungsod ng Bacoor, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.