Narito ang 3-day heat index advisory kung saan inaasahang aabot sa Extreme Caution category ang init ng panahon. Dahil dito may posibilidad na makaranas ng heat exhaustion at heat cramps lalo na kung matagal ang pagkakalantad sa matinding init.
Pinapayuhan ang lahat na iwasang lumabas ng bahay hangga’t maaari at manatili sa malamig o maaliwalas na lugar upang maiwasan ang heat stroke at iba pang heat-related illnesses. Mag-ingat at panatilihin ang sapat na hydration!