Noong ika-14 ng Agosto 2024, idinaos ang 3rd Convening ng Census-CBMS Coordinating Board sa Strike Multi-purpose Hall, sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Rhowena Alcantara mula sa City Planning and Development Coordinating Office.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagpupulong kasama nina Ms. May Ann Tolledo at Ms. Lucia Iraida A. Soneja mula sa PSA Cavite. Kasama sa mga kalahok ang mga department head, unit head, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang NGO, na nag-ambag sa mga talakayan ukol sa status ng enumeration, recruitment challenges, mga problema na hinaharap, deployment areas, at iba pang mahahalagang isyu.
Binigyang-diin ni Mayor Strike ang kahalagahan ng pagsasama ng mga Barangay personnel sa enumeration process, at inirerekomenda ang kanilang pag-hire upang matugunan ang kakulangan ng PSA sa Enumerators. Ito ay isa sa mga hakbang upang matiyak ang maayos na pag-interview sa mga Bacoooreño sa 2024 Census ng Populasyon at Community-Based Monitoring System.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.