Ang Team Revilla, kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at City Social Welfare and Development, ay nagsagawa ng pamamahagi ng bigas at pagsasanay ukol sa Disaster Preparedness sa Brgy. Maliksi II.
Nagpadala rin ng video messages sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Sen. Bong Revilla Jr., Cong. Lani Mercado Revilla, at Cong. Bryan Revilla upang ipahayag ang kanilang suporta at pasasalamat sa mga residente.
Ginawa ang pamamahagi sa Maliksi Elementary School noong Abril 30, 2024, kung saan higit sa 1058 katao ang nakatanggap ng pagsasanay at ng pamamahagi ng bigas. Naroon rin sina Brgy. Chairman Liberato Dizon at mga miyembro ng barangay.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.