Pinasinayaan noong Araw ng Kalayaan, ang pagpapamalas ng talento, husay at galing ng mga Malikhaing Bacooreño sa HIMIG AT TUGMA na dinaluhan ng mga artists mula sa Bacoor gayundin ng mga artist galing sa iba pang parte ng Cavite.
Ang makasaysayang kaganapan na ito ay naging posible sa suporta at panguguna ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola. Isama pa ang walang humpay na pagsuporta rin ng mga Lingkod ng Sangguniang Panglungsod ng Bacoor, AGIMAT Partylist, at ang Ina ng Bacoor; Congresswoman Lani Revilla.
Nagpakitang gilas ang ilang kabataan sa Bacoor sa kanilang mga orihinal na pyesang tula at mga awitin na lubos na kinagiliwan ng mga manunuod. Sinamahan pa ito ng isang malakas na line-up ng mga makata mula sa Titik Poetry. Naghandog din si Rex Millora, isang stand-up comedian, ng isang nakakatawang set. Napasabay naman sa kantahan ang mga tao sa mga tugtugang inalay ng We The Santiago.
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng espasyo para sa ating mga artists ay nakatutulong sa kanilang paglago maging sa pagpapayabong ng sining at kultura sa ating lungsod maging sa buong lalawigan.
Kasama ang Bacoor Arts Community, Liwanag Café, Titik Poetry, Rotaract Bacoor, Haraya Art Collective, Gentri Arts Community at higit sa lahat ang komunidad ng mga malikhaing artists sa Bacoor at sa buong lalawigan ang siyang naging susi sa pagbubukas ng oportunidad upang maibahagi ng mga tao ang kanilang mga talento.