Taglay nito ang malakas na hangin na 185 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 280 km/h habang kumikilos kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.
Patuloy itong kikilos sa direksyong west-northwest sa hilaga ng Camarines Provinces, at maaaring dumaan sa Calaguas Islands ngayong umaga.
Dadaan ito sa Polillo Islands ngayong umaga bago muling mag-landfall northern Quezon o Aurora mula tanghali hanggang hapon.
Pagkatapos, tatawid ito sa mga kabundukan ng Sierra Madre at Cordillera mula tanghali hanggang gabi.
MAGING LAGING ALERTO AT LIGTAS CALABARZON!