Isa sa inabangan noong April 30, 2024, ang programa ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr., katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ang KADIWA NG PANGULO na umiikot sa buong Pilipinas para ihatid ang mga murang produkto na dala ng ating mga kababayang MAGSASAKA, MANGINGISDA at maliliit na NEGOSYANTE na nais kumita kahit sa maliit na halaga.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay nagdadala ng magandang kasanayan sa pagnenegosyo partikular sa maliliit na mamumuhunan o negosyante na nais rin magbigay ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayang Pilipino.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay hindi nag dalawang isip para pangunahan ang Kadiwa ng Pangulo dahil ang mga Bacooreno parin ang makakapag benepisyo ng ganitong programa. Pinangunahan ng City Agriculture Office sa pangunguna ni Sir. Allan Chua katuwang ang Livelihood sa pangunguna ni Ma’am Carmelita Gawaran at iba pang ahensya na ayusin ang Kadiwa ng Pangulo sa Lungsod ng Bacoor. Umabot sa 27 Stall oh Vendors mula sa ibat-ibang Bayan at Lungsod ang lumahok sa Kadiwa ng Pangulo.
1. Coffee Break
2. Alfonso Cavite Farmers Producers Cooperative
3. Brgy Tua Farmers Agriculture Coop
4. Bacoor Rabbit Farmers
5 .Puregold
6. Café Amadeo Development Cooperative
7. Provision of Livelihood to the List Fortunate
8. Pacheco Agrarian Reform
9. Food Processor Association
10. General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative
11. Star Vhecs Food and Beverage
12. The Banana Family
13. Marayata Farms
14. Tun-amazing World
15. Zestful Delight
16. Dian Land 2 Farmers Association, INC.
17. Erel’s Cakes and Pastries
18. Kuys Meal
19. SLP – CSWD
20. Halo-halo Express
21. Danchelle Bakery
22. TGH Tumeric
23. BJMP
24. City Processing Center
25. Mcdon Consumer Goods Store
26. 1992 Coffee House
27. Eonnie’s Korean Food and Unli Wings.
Dinaluhan naman ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola na siya ring nag bigay ng minsa sa mga nakiisa sa Kadiwa ng Pangulo. Nasama ni Vice Mayor Rowena ang Members ng Sangguniang Panlungsod maging ang ibang panauhin na galing sa National Agencies.
Dominic Tolentino Jr. (ASEC, for Special Concerns Office Dept. Of Trade and Industry), Elizabeth N. Lopez De Leon (ASEC, for Community Participation DILG), Dir. Marivic B. Martinez (PO DOLE Cavite), Rebecca Tarazona (Chief, Business Development Division)
Raquel Tagle (Market Specialist, DA Central Office), Ruben R. Perlas Agriculture Program Coordinating Office APCO Cavite), DA. CALABARZON – AMAD
Darrell I. Dizon (Assistant Regional Director DILG IV-A), Nencita N. Costelo (Cluster Head, DILG Cavite).
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa Programa ni Pangulong Bong-Bong Marcos Jr. dahil malaking tulong ito sa mga Bacoorenong sapat lamang ang budget para sa kanilang pagkain o pangangailangan.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay tatagal hanggang alasingko ng hapon (5 pm).
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.