Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla ay naglaan ng 200 Slots sa gaganaping Mass Baptism.
Kaya naman inaanyayahan namin ang mga kababayan nating Bacooreñong magulang at tagapag-alaga na irehistro ang kanilang mga anak, edad 0 hanggang 6 na taon, para makasama sa masayang kaganapang ito.
Magtungo lamang sa City Civil Registrar Office, Ground Floor (Main Bldg) Bacoor Government Center.
Siguraduhing dalhin ang mga kinakailangang dokumento:
– Birth Certificate
– Valid ID ng mga magulang/tagapag-alaga
Ang Petsa at Venue ng Mass Baptism ay gaganapin sa September 18, 2024 sa simbahan ng Our Lady of Queen of Peace Parish, Brgy. Q. Row West, Lungsod ng Bacoor, Cavite.
I-celebrate natin ang mahalagang yugto na ito ng magkasama at nagkaka-isa.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (046) 481 4122.
Maraming salamat po.