Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang programa ng Department of Education-Bacoor ang Strike sa Katunungan kung saan ang programang ito ay nagbibigay ng tulong sa mga kabataang Bacooreño. Ang mga kabataan na galing sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Bacoor ay binigyan ng tulong-edukasyon para sa kanilang pag-aaral.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay katuwang ang Department of Education (DepEd) para mabigyan ng tulong ang mga kabataang may angking galing at nagpapakita ng kahusayan sa kanilang pag-aaral.
Nais nila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, Cong. Lani M. Revilla, Agimat Partylist Cong. Bryan Revilla, at Board Member Ram Revilla na makamit ng mga kabataang Bacooreño ang kanilang mga pangarap.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!