Bacoor City, Mayo 24, 2025 – Isang matagumpay na Strike Family Day ang ginanap sa covered court ng Camella Springville Central Phase 3 Homeowners Association (HOA), Brgy. Molino 3. Pinangunahan ito nina Mayor Strike B. Revilla kasama sina Konsehal-elect Horacio Brillantes, Pres. Eugene Tan at ang mga miyembro ng Lupon ng HOA, Pres. Tim Ampil, at Pres. Jho Lagrata. Ang masayang pagtitipon ay nagdulot ng saya sa mga residente ng Molino 3, sa pakikipagtulungan ng mga grupo ng Triskelion, mga tanggapan ng City Government, at FLAG.
Nag-enjoy ang mga residente, bata man o matanda, sa mga libreng serbisyo tulad ng gupit, masahe, pagkain, inflatable games, photo booth, at videoke challenge. Isang malaking pasasalamat sa mga NGOs at Strike Bacoor Rainbow Community na tumulong sa LGU.
Ipinapakita ng Strike Family Day ang dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng mga masasayang aktibidad para sa mga mamamayan ng Bacoor, lalo na tuwing weekend.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.