August 11, 2024, Bacoor City – Matagumpay ang programa nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola ang Family Strike Day sa covered court ng Camella Homes Fairfield. Ang pagtitipon, na layunin na magdulot ng ligaya sa mga Bacooreño sa Mambog 1, ay naging posible sa tulong nila Kap. Narciso De Guzman, SK Chairwoman Janna Ordoñez, mga opisyal ng Barangay Mambog 1, Triskelion Government, Mambog Chapter, ISHRM Chapter, Camella Springville Chapter, MDC Chapter, at FLAG.
Nag-enjoy ang mga residente bata pati na rin matatanda sa isang araw na puno ng libreng gupit, pagkain, inflatable games, photo booth, at videoke challenge. Salamat po sa mga NGOs at Strike Bacoor Rainbow Community na nakatuwang ng LGU.
Binigyang-diin ng Family Strike Day ang dedikasyon ng city government sa pagbibigay ng masasayang aktibidad para sa mga Bacooreño, lalo na sa mga weekend.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.