Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at ng Sangguniang Panlungsod, kasama ang Team Revilla, ang “Strike Family Day” noong Linggo, Hulyo 21, 2024, sa Barangay Molino 4.
Sa pangunguna ng LYDO sa ilalim nina Ms. Angie Cariaso at Mr. Noly Galvez ng BDRRMO, dumalo ang iba’t-ibang mga boluntaryo at grupo mula sa Tau Gamma Phi Triskelion Duplex Chapter at Timon Molino 4. Aktibong nakilahok ang mga opisyal ng Barangay at SK ng Molino 4, sa pangunguna ni Kap Jeff Campaña, kasama ang mga residente, kabataan, at mga pamilya sa selebrasyon.
Kabilang sa mga tampok ng pagdiriwang ang libreng pagkain para sa lahat, libreng paggamit ng inflatable slide para sa mga batang walong taon pababa, libreng photobooth, Barangay singing idol contest at ang libreng gupit katuwang ang Strike Bacoor Rainbow Community.
Pinatunayan ng “Strike Family Day” ang diwa ng komunidad at ang dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng ugnayan ng pamilya at pagbibigay ng kasiyahan sa mga Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.