Bacoor City, Disyembre 1, 2024 – Nag-saya ang mga residente ng Barangay Molino 4 ngayong araw sa “Strike Family Day” na ginanap sa Eliza Homes 2A & 2B Covered Court. Ang event na ito ay pinangunahan ng City Government of Bacoor, programa ng ating Mayor Strike B. Revilla, sa pakikipagtulungan ng Local Youth and Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Ms. Angie Cariaso.
Dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay Molino 4, mga opisyal ng HOA ng Eliza Homes 2A & 2B, at mga miyembro ng BHOACI ang event. Nag-enjoy ang mga residente sa libreng pagkain, photobooth, sing-along contest, inflatable slide, libreng gupit, at seminar sa fire prevention.
Ang “Strike Family Day” ay isang paraan para magbigay saya at magkaroon ng bonding time ang mga pamilya sa barangay. Ito rin ay isang pagkakataon para magkaroon ng kamalayan ang mga residente sa mga serbisyo at programa ng City Government of Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.