Patuloy ang pagbibigay ng kasiyahan ng Team Revilla sa mga Barangay sa Lungsod ng Bacoor. Noong ika-1 ng Setyembre, 2024, dinala ng Team Revilla ang kasiyahan sa Greentown Villas 1, Barangay Mambog 3. Pinangunahan ng iba’t-ibang samahan sa Lungsod ng Bacoor ang pagbibigay ng kasiyahan sa mga bata at matanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain na inihanda ng ALPHA PHI OMEGA PHILIPPINES INC. at SCOUTS ROYALE BROTHERHOOD ESPILON NU CHAPTER.
Dumalo rin personal si LYDO Head Ms. Angie Cariaso sa tulong ng Kuya ng Bayan na si “Kuya” Noly Galvez.
Ipinakita naman ng pamunuan ng Barangay Mambog 3 sa pangunguna ni Kap. John Ernest Advincila, Brgy. Councils, SK Chairman Vicente Villafuerte, SK Kagawad, at kawani ng Barangay ang kanilang suporta sa programa.
Patuloy na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa Strike Rainbow Community, Triskelion Grand Fraternity, Tau Gamma Phi, SBR-KKK members sa patuloy na pagsuporta sa STRIKE FAMILY DAY PROGRAM.
Abangan ang STRIKE FAMILY DAY sa inyong mga Barangay.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.