Bacoor, Cavite — Ang Strike Arena Youth Esports Battle ay matagumpay na ginanap sa Strike Gymnasium noong September 6, 2024, kung saan nagtagisan ng galing ang mga kabataang manlalaro sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB). Ang torneo ay pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Angie Cariaso, katuwang ang SK Federation President na si Palm Buncio at ang Barangay Management Information System (BMIS).
Ang kompetisyon ay opisyal na sinuportahan ng Agimat Partylist at Moontoon Philippines, ang developer ng Mobile Legends: Bang Bang. Ang pagsasama-sama ng mga kabataan para sa ganitong klase ng kompetisyon ay nagpakita ng dedikasyon ng Bacoor sa pagsulong ng esports bilang isang lehitimong disiplina na maaaring itaguyod ng kabataan.
Nagtagumpay ang koponan ng Queen Bee bilang kampeon ng torneo, samantalang ang Bayanan ang naging 1st runner-up. Nakamit ng TNK ang 2nd runner-up na posisyon, habang ang Salinas 1 naman ay nag-uwi ng 3rd runner-up na karangalan.
Ang Strike Arena Youth Esports Battle ay isang patunay na ang esports ay patuloy na lumalago at nakakapagbigay ng oportunidad para sa mga kabataan na ipakita ang kanilang husay at talento sa larangan ng teknolohiya at paglalaro. Ang proyekto ay naging tulay din upang mapagtibay ang pagkakaisa ng komunidad ng mga kabataan sa Bacoor.
Mabuhay ang kabataang Bacooreño sa mundo ng esports!
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.