Noong Hunyo 24, 2024, nagkaroon ng oryentasyon ang Public Employment Service Office (PESO) para sa 70 estudyante mula sa Senior High School at College. Sila ang mga estudyanteng sasabak sa programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinatutupad sa mga lungsod at bayan.
Ang Special Program for Employment of Students (SPES) ay isang programang sinimulan ng DOLE. Layunin ng programang ito na mabigyan ng trabaho ang mga mag-aaral na gustong kumita sa panahon ng kanilang summer vacation.
Dumalo sa nasabing oryentasyon si Vice Mayor Rowena B. Mendiola upang batiin ang mga napiling SPES participants na ngayon ay sasabak na para maging kawani ng ating lungsod. Dumalo rin sina Ms. Anne Marie Faye Gloria, Senior Labor Employment Officer III (DOLE), at Ms. Natividad Ople, HR Head.
Sa ngayon, nasa pamamahala ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Dr. Abraham De Castro ang mga estudyanteng kasama sa SPES.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay buo ang suporta sa programa ng DOLE para makatulong sa mga estudyanteng BacooreƱo.