Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama sina Vice Mayor Rowena B. Mendiola, City Councilor Alde Pagulayan, City Councilor Alex Gutierrez, Mr. Noly Galvez, at Barangay Capt. Randy Francisco, ang Mass Baptism sa St. Michael the Archangel Parish Church sa Barangay Poblacion.
Umabot sa 96 na kabataan ang nabinyagan sa pangunguna nina Fr. Calixto Lumandas at Fr. Raymar Arca, katuwang ang Diocesan Ministry on Catechesis – Diocese of Imus.
Sa mensahe nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola, na ngayon ay tumatayong ikalawang Ama at Ina ng mga bagong bininyagan, hiling nila na maging masaya at lumaking may takot sa Diyos ang mga bata.
Sa huli, nakatanggap ng pakimkim (cash gift) ang lahat ng batang bininyagan mula sa ina ng Lungsod, Congresswoman Lani M. Revilla.
Ang Mass Baptism ay isa sa mga aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para sa paparating na anibersaryo ng ika-12 taon ng pagiging lungsod ng Bacoor.