Upang mapanatili ang kaligtasan ng mga BacooreƱo ating sundin ang paalala ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, ipinagbabawal ang pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish mula sa Agosto 1, 2024, alinsunod sa Executive Order No. 38 Series 2024 na nilagdaan ni Gov. Jonvic Remulla ng Cavite. Sa ilalim ng kautusang ito, hindi papayagan ang pagtitinda ng tahong, talaba, halaan, alimango, at alimasag sa anumang Pamilihan, Supermarkets, Malls, Vendors, at iba pang tindahan sa lungsod.
Kaugnay nito, ipinapaalam din sa publiko na ang ibang seafood tulad ng sapsap, mamali, torsilyo, kabasi, lapu-lapu, banak, kapak, bakoko, malakapas, malabansi, rambol, siliw, samaral, tambol,hipon,pusit, tilapia,kitang at sting ray ay maaaring itinda at kainin. Tiniyak ng Pamahaalang Lungsod na ang pagkain at pagbebenta ng mga seafoods na nabanggit ay ligtas sa kalusugan ng bawat isa.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.