Sa ika-24 na edisyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), inihahandog natin sa sambayanang Pilipino ang mas pinalawak at dekalidad na mga programa at serbisyo—hindi lamang para sa lalawigan ng Cavite, kundi para sa bawat sulok ng bansa.
Kasama natin ang 65 ahensya na magbibigay ng 235 iba’t ibang programa at serbisyo sa ating mga kababayang Caviteño. Kaya naman sa darating na Biyernes at Sabado, sabay-sabay nating gunitahin ang diwa ng pagkakaisa sa Cavite. Tumungo lamang sa Aguinaldo Elementary School, Kawit, Cavite upang makapag-avail sa one-stop-shop caravan na hatid ng Bagong Pilipinas. Kita-kits po tayo!