Ipinagdiwang ng mga Senior Citizen sa Lungsod ng Bacoor ang Elderly Filipino Week kaisa ang National Commission of Senior Citizens ng Office of the President sa pangunguna ni Mary Jean Loreche, M.D ( Chairwoman, National Comm of Senior Citizen ) Commissioner Ricardo Rainier G. Cruz III ( National Comm of Senior Citizen ) at ang ahensya ng Philhealth. Dito pinag usapan ang mga benipisyo na makakatulong sa mga Senior Citizen.
Mahalagang tinalakay sa selebrasyon ang kahalagahan ng Philhealth sa mga Senior Citizen kahit na ito ay hindi kasapi at bagong miyembro palang. Ipinaliwanag rin ng taga pagsalita ng Philhealth kung ano ang sakop ng kanilang programa, dito nakapaloob kung pano magagamit ng isang senior citizen ang kanilang Philhealth.
Dumalo naman si Congresswoman Lani M. Revilla at nagbigay ng mensahe sa mga Senior Citizen na dumalo sa Strike Gym. Kasama ni Cong. Lani ang Sangguniang Panlungsod Members.
Sa huli, sinigurado ng OSCA sa pangunguna ni Atty. Venus De Castro na maibibigay sa mga Senior Citizen ang mga benipisyong kailangan nila.
Ang Lungsod ng Bacoor naman ay nagpapasalamat sa mga naging panauhin sa Elderly Filipino Week selebrasyon.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.