Isang mahalagang seminar ang isinagawa ng Office for the Development of Cooperatives (COOP) noong June 11, 2024, sa pangunguna ni Ms. Vicenta M. Lazaro.
Dumalo sa nasabing seminar sina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola upang magpaabot ng kanilang suporta at mensahe sa mahigit 50 na opisyal ng COOP sa lungsod.
Ang seminar na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan at pang-unawa ukol sa mga GAD-related laws at ang kanilang kahalagahan sa lipunan. Kasama sa mga tinalakay ay ang sumusunod na mga batas:
1.) RA 9710 (Magna Carta of Women) — Ang batas na ito ay nagtataguyod ng mga karapatan at kapakanan ng kababaihan, tinitiyak ang kanilang kapangyarihan at proteksyon laban sa diskriminasyon.
2.) RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act) — Tinatalakay ng batas na ito ang pagbabawal sa anumang uri ng sexual harassment sa iba’t ibang lugar, na naglalayong magtaguyod ng ligtas at magalang na kapaligiran para sa lahat.
3.) RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) — Layunin ng batas na ito na protektahan ang kababaihan at mga bata laban sa lahat ng anyo ng karahasan, nagbibigay ng legal na mekanismo at suporta para sa mga biktima.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, umaasa ang COOP na makakatulong ito sa pag-unlad at pagpapalakas ng komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.