Matagumpay na ginanap ang Seminar on Fundamentals of Cooperative na dinaluhan ng 56 na empleyado ng City Cooperative Development Office o COOP na pinamunuan ni Senior Cooperative Development Spacialist, Ma’am Vicky Magbanlac Lazaro, ginanap ito noong April 19, 2023 sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay at kahapon April 20, 2023 na isinagawa sa Strike Gymnasium.

Layunin ng pagtitipon na ito na mahasa ang mga dumalo upang maisapuso ang mga batas at responsibilidad nila bilang parte ng COOP.

Sa unang araw ng seminar dinaluhan ito ng mga tagapagsalitang panauhin mula Provincial Cooperative, Livelihood, and Entrepreneurial Development Office o PCLEDO na sina Ms. Dianne April V. Matel at Ms. Kyla Joryz B. Ramos, nagbigay naman ng suporta si Bacoor City Employees Multi-Purpose Cooperative o BACEMCO Board of Director, Dr. Elamae Grandia at sa naturang programa.

Samantala, sa pangalang araw ng seminar, nabigyan din ang mga kasamang kawani ng gobyerno ng libreng gamot kaugnay sa programa na “Malasakit sa Bacooreños” na handog ng Office of the City Mayor at Hope in Me Club sa pangunguna ni Dr. Tina Alberto, Hope in Me Club, Head.

Please like and follow our official social media accounts:

FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…

Maraming salamat po.

#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito