Lungsod ng Bacoor, Agosto 19, 2024 – Matagumpay na ginanap ang flag raising ceremony na inorganisa ng Sangguniang Panlungsod ng Bacoor. Pinangunahan ng punong lungsod na si Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola ang nasabing programa kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga NGO’s, PNP, BJMP, BFP, at mga kinatawan ng DepEd.
Nagbigay ng kasiyahan ang mga guro ng BNHS Molino Teachers Choir sa kanilang pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn, Cavite Hymn, at Bacoor Hymn. Samantala, binigyang-diin ni Konsehal Reynaldo Palabrica ang accomplishment report ng Sangguniang Panlungsod.
Tampok sa programa ang paggawad ng City Resolution No. CR 2024-543 Series of 2024 kay Dr. Emmanuel Franco Calairo bilang Adopted Son of The City of Bacoor, Cavite. Kinilala rin ang tagumpay ni Ms. Abigail C. Mateo bilang Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Adamson University.
Bilang bahagi ng pagtulong sa mga nangangailangan, namahagi ang pamahalaang lungsod ng pinansyal na tulong sa 24 na pamilyang naapektuhan ng proyekto sa imprastraktura sa Barangay Dulong Bayan. Mayroon ding pamamahagi ng 10 wheelchair sa mga nangangailangan.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Vice Mayor Mendiola ang mga nagawa ng Sangguniang Panlungsod, habang tinalakay naman ni Mayor Revilla ang mga nakamit na tagumpay at ang mga plano para sa kinabukasan ng lungsod.
Ang nasabing programa ay ginanap sa Strike Gymnasium.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.