Sa pagtatapos ng tatlong araw na seminar, na pinamagatan na “STRIKE AS 1 Kabataan: A Student Leaders Training Program on Self-Reliance, Transformative Leadership, Responsibility, Integrity, Kinship, and Empowerment (SK Edition)” ay nagkaroon ng makabuluhang seremonya noong Hunyo 29, 2024, sa Revilla Hall.
Bilang paggunita sa kanilang tagumpay, ang mga kalahok ay binigyan ng sertipiko ng pagkilala at mga parangal para sa kanilang aktibong pakikilahok at natatanging kontribusyon sa pagsasanay.
Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ni Dra. Ma. Cristina Alberto ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay suporta sa matagumpay na pagpapatupad ng pagsasanay. Ang kaganapan na ito, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla, ay nagmarka ng isang mahalagang hakbang tungo sa isang mas maliwanag at matagumpay na hinaharap para sa mga kabataang lider ng Bacoor.