Nagsagawa ng Regular Seaborne Monitoring Patrol ang mga kasapi ng Bacoor City- Office of the Agricultural Services, City Fisheries and Aquatic Resources Management Council, City Environment Services Department at Philippine Coast Guard. Agosto 6, 2024, sa ating pagmo-monitor WALANG SIGHTINGS ng LANGIS na nakita sa Territorial Waters ng Bacoor Bay. At inikot ng grupo ang mga lugar na nilagyan ng mga Improvised Oil Spill Booms(IOSBs) mula sa Silangan paikot sa Kanluran hanggang looban at Mangrove Area ng Bacoor Bay.
Kumuha din ng mga Mussel at Oyster samples ang grupo upang buksan at tignan kung may makikitang obvious “Physical Manifestation” ng Langis sa mga kalakal ngunit wala pa din silang nakita rito. Maging ang mga Oil Spill Booms natin na nakalatag sa karagatan ay walang senyales ng langis. Oil Free pa din ang ating karagatan at ligtas pa rin sa mga Agrifisheries Prime Commodities
Patuloy pa din gagawa ang City Government of Bacoor ng mga IOSPBs na idadagdag sa strategic areas ng Bacoor Bay.
Maraming salamat sa mga nag DONATE ng mga used Plastic Bottles napakalaking tulong ang inyong mga naibigay.
Office of the Agricultural Services
-Joshua R.Villaluz, RFP
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.