Masiglang sinalubong ng mga opisyal at mamamayan ng Bacoor ang huling Lunes ng buwan sa isinagawang Regular Flag Raising Ceremony ngoong May 27, 2024.
Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita mula kay City Councilor Alex Felizardo Gutierrez, at sinundan ito ng Audio-Visual Presentation (AVP) ng Accomplishment Report ng DepEd Bacoor sa pangunguna ni Dr. Babylyn M. Pambid.
Naghandog naman ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ng cash incentives para sa mga DepEd students na nagwagi sa iba’t-ibang kompetisyon. Pormal na ring tinurn-over ang mga school supplies na handog ng lokal na pamahalaan sa mga ito.
Bukod dito, nagbigay aliw din sa mga manunuod ang ITC BNHS – Molino Main at Altas in Motion (Senior High and College Division) — UPHSD sa pamamagitan ng kanilang intermission number.
Pagtapos nito, naghandog rin ang Philippine National Police – Bacoor, sa pangunguna ni Police Lieutenant Coronel John Paulo Caraccedo, ng kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan isang AVP.
Agad naman itong sinundan ng pagpaparangal sa ilang PNP Bacoor Personnel sa kanilang hindi-matatawarang serbisyo para sa Lungsod.
Nagtapos ang programa sa isang makabuluhang mensahe mula kay Mayor Strike B. Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.