Hulyo 15, 2024 — Isang masigla at makabuluhang flag raising ceremony ang pinangunahan ng City Livelihood and Development Office (CLDO) at ng Bacoor Alliance of Pinagbuklod Inc. ngayong araw, bilang panimula sa panibagong linggo ng pagseserbisyo sa bawat Bacooreño.
Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita mula kay City Councilor Adriel Gawaran, na agad ding sinundan ng paggawad ng sertipiko ng pagtatapos sa Bureau of Fire Protection (BFP) Bacoor sa ginanap na Strike Fire and Rescue Village Safety Seminar.
Ipinagmalaki rin ang tagumpay ng Strike Bacoor Lady Spikers, na nagtamo ng 2nd Runner Up (Bronze) sa katatapos lamang na Cavite Ballers League 2024 – Inter Town Volleyball Tournament.
Binigyan din ng parangal ang mga nagwagi sa 2024 National Press Conference (NSPC) na ginanap sa Carcar, Cebu City noong Hulyo 8-12, 2024. Kabilang sa mga pinarangalan sina:
• Liam Drake Amoroso – Champion (News Writing Elementary – Filipino)
• Angel Mae C. Precillas – Champion (Copy Reading and Headline Writing – Secondary English)
Nagbigay naman ng ulat si Ms. Carmelita Fabian-Gawaran ukol sa mga nagawa ng CLDO sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation. Naghandog din ng inspirasyonal na mensahe si RD Marissa C. Argente, Regional Director ng Department of Trade and Industry (DTI) Region IV-A, na siyang panauhing pandangal.
Matapos ang intermission number na inihandog ng CLDO – Staff, nagtapos ang programa sa mensahe mula kay Mayor Strike B. Revilla, na siyang nagbigay inspirasyon sa lahat ng dumalo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.