Noong Pebrero 12, 2024, isinagawa ang pangalawang Flag raising ceremony ngayong buwan ng mga puso na pinangunahan ng City Civil Registry Office.
Naimbitahan din ang Registration Officer V ng Civil Registration Management Division na si Mr. Emilio Jr. Castaneda Querubin. “Marami pa pong programa ang Philippine Statistics Authority na nakahanda para sa ikauunlad ng civil registration sa ating bansa,” aniya. Hiniling din ni Mr. Emilio Jr. Castaneda Querubin ang suporta ng Bayan ng Bacoor para sa lahat ng programa ng PSA.
Kasama rin sa programa ang pamamahagi ng mga food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng demolisyon at sunog sa ating lungsod. Bilang pagtatapos ng programa, nagpaalala ang ating butihing Mayor sa ating mga kababayan na mag-ingat at tiyakin ang kaligtasan ng bawat tahanan upang makaiwas sa sunog. Nagpasalamat rin siya sa Bureau of Fire at Fire volunteer sa agarang pagresponde sa mga naganap na insidente ng sunog sa bayan ng Bacoor. Nagpaalala rin ng maigi ang ating butihing Mayor sa ating mga kababayan na mag-ingat nang maigi at tiyaking ligtas ang bawat tahanan para makaiwas sa mapaminsalang sunog.
Sa kabilang banda, inihayag din ni Mayor Strike Revilla na magkakaroon ang pamahalaang lungsod ng mass wedding sa araw ng mga puso (Feb 14, 2024), at bilang paalala sa pagdiriwang ng Heart Month at Oral Health Month, hinimok niya ang lahat na magtulungan sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng oral hygiene.
Binati rin ni Mayor Strike B. Revilla ang magandang performance ng Civil Registry Office, na binigyan ng karangalan noong nakaraang taon bilang 3rd placer sa Outstanding Local Civil Registry sa buong CALABARZON at 10th placer sa Outstanding Local Civil Registry Office (Super Extra Large Category) sa National Convention ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Buong galak din ipinaalam ng ating mahal na mayor na sa buong buwan ng Pebrero, ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng libreng certified photocopy ng birth certificate, marriage certificate, at death certificate, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-34 na Civil Registration Month.
Tinalakay rin niya ang mga training at seminar, tulad ng 2-day Capability Enhancement Training para sa mga barangay secretaries at clerks, kung saan kasama ang pagtatalakay sa Systemized Barangay Records (SBR) upang mas mapabilis at mas maayos ang pagbibigay ng mga kinakailangang dokumento ng ating mga kababayan.
Ipinabatid rin ng ating butihing Mayor ang pagdalo nito sa imbitasyon ni New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell, na ang event ay nagpapahalaga sa pirmahan noong 1840 ng Treaty of Waitangi, ang pambansang dokumento ng New Zealand na pinirmahan ng mga pinuno ng Maori at ng British Crown. Isinaad din ng ating mahal na Mayor na, “We have had a fruitful partnership with the Embassy of New Zealand.”
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.