Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Bacoor ang huling flag ceremony sa buwan ng Pebrero.
Tampok dito ang presentation of awards ng Public Employment Service Office (PESO) kabilang dito ang pagkilala ng Department of Labor and Employment – CALABARZON sa proyekto na bridging recovery program kung saan binigyan recognition ang PESOS’s programs for the unemployed at person deprived of liberty (PDL) na magsisilbing karangalan para sa Bayan ng Bacoor.
Kasunod nito ang mensahe ng atin butihing Mayor Strike B. Revilla kung saan nilahad nya ang mga paalala, updates at pasasalamat:
1. Ang pagtanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng Attestation o ang pagpapatunay kaugnay ng ISO 9001:2015 certification;
2. Fire Prevention Month ngayong March na may temang, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.” Ito ay nilakipan din ng samut-saring aktibidad gaya ng Provincial Kick-Off/Motorcade on March 1 at Bacoor City’s own kick-off
ceremony/motorcade naman sa March 2. Mayroon ding digital art/photo/essay writing contest, at Strike Urban Fire Olympics. Magkakaroon din ng Open House sa Strike Fire and Rescue Village sa Barangay Molino IV;
3. Ongoing mandatory Disaster Preparedness Orientation para sa mga kumukuha ng Mayor’s Working Permit (as per Ordinance 248-2022, Bacoor Emergency Response Training Ordinance);
4. Ngayon Marso ay mag-iikot sa mga barangay ang Office of Veterinary Services for the Free Rabies Vaccination bilang selebrasyon sa Rabies Awareness Month;
5. License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan on March 19 and 20;
6. Marching Band Parade sa March 2 featuring the city’s 21 homegrown marching bands;
7. Pagkilala sa Banda El Gobernador sa pagkamit ng karangalan sa limang kategorya sa ginanap na Hamaka Festival Grand Sertamen sa Taytay, Rizal;
8. Ang pagtatapos ni DRRM officer, Mr. Richard Quion, ng Public Management Development Program through Local Government Executives and Managers Class Batch Kaligdong sa Development Academy of the Philippines (DAP);
9. Nagbigay ng pagkilala ang Girl Scouts of the Philippines – Cavite Council sa Bacoor City dahil sa tulong at suporta na ibinigay sa organisasyon;
10. Ginawaran naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A ang lungsod ng Bacoor ng PaNata Ko Sa Bayan Award 2023 para sa implementasyon ng social welfare and development laws;
11. Ongoing Voter Registration para sa 2025 National and Local Elections, sa tanggapan ng COMELEC Bacoor;
12. Ongoing na Libreng Sine para sa mga Senior Citizen at PWDs;
13. Ngayong Marso, magkakaroon din ng mgaoutreach programs sa mga CSWD shelters, simultaneous tree planting, Women’s Month celebration, Bridal Fair, rice distribution, trade fair, Launch ng PalengQR, groundbreaking ng slaughterhouse, blessing ng mga infrastructure projects at marami pang iba.
Abangan ang anunsiyo mula sa Bacoor City Department of Tourism and Cultural Affairs Office. Ito ay bilang bahagi ng birthday celebration ng inyong lingkod, Mayor Strike Revilla.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.