Pinangunahan ng City Government ng Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla at ng mga Sangguniang Panglungsod Member sa ilalim ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola ang seremonya ng Panunumpa sa Watawat ng Lungsod ng Bacoor sa Strike Gymnasium ngayong araw, Agosto 5, 2024.
Ang nasabing okasyon host ang BJMP Bacoor City Jail Male & Female Dormitory. Nagbigay ng maikling pagbati si Hon. Alex Felizardo Gutierrez, City Councilor ng Bacoor – District 1, upang simulan ang programang ito.
Isang espesyal na Bahagi ng programa ang pagbibigay-pugay sa Drug Cleared Barangay at ang pagtatanghal ng Award mula sa BJMP City Jail. Inilabas din ang accomplishment report ng host office BJMP Bacoor City Jail Male & Female Dormitory na pinangungunahan nina Jail Chief Inspector Joy C. Pascual at Superintendent Christopher R. Penilla.
Nagbigay rin ng papuri sa mga stakeholders ang pamunuan ng Bacoor City Jail. Hindi rin nakalimutan ang pagkilala sa Drug Free Barangay Mambog 4 sa pamumuno ni Kap Roberto “Obet” Nolasco. Ipinagkaloob din ang mga premyo sa mga nanalo sa pa-raffle ng 1st Anniversary ng Barangay Merging noong July 29, 2024.
Naghayag ng mensahe si Mayor Strike B. Revilla kung saan isa sa tinalakay ang mga hakbang na ginagawa ng Lungsod ng Bacoor upang maibsan ang epekto ng Oil Spill sa Bacoor Bay. Pinasalamatan din ang Sangguniang Panglungsod members at si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola sa kanilang suporta sa pamamahagi ng School Bag at School Supplies para sa mga Kindergarten. Isinama rin sa pasasalamat ang atleta na si Carlos Yulo sa kanyang Gintong Medalya sa Paris Olympics, isang karangalan para sa bansa.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.