Oktubre 7, 2024 ginanap sa Strike Gym ( Bacoor Government Center ) ang proclamation rally nila Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at ng Agimat Partylist – Cong. Bryan Revilla. Inabangan ito ng mga suporters galing sa ibat-ibang Bayan at Lungsod ng Cavite. Hindi naman nag pahuli ang mga Bacooreño sa pag suporta sa nag-iisang senador at Partylist ng Cavite.
Buo naman ang suporta ng ibat-ibang opisyal mula sa ibat-ibang Bayan at Lungsod ( Kawit, Noveleta, Rosario, Cavite City, Imus at iba pa ) na talagang dumalo sa Bacoor para ipakita ang kanilang suporta at pagmamahal sa butihing Senador Bong Revilla Jr. at sa Agimat Partylist.
Ang TEAM REVILLA naman sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members ay sasamahan ang ating Senador at Partylist kanilang laban.
Sa huli, sama-samang nag taas ng kamay sila Sen. Bong Revilla Jr, Cong. Bryan Revilla, 2nd Nominee Samantha Panlilio, 3rd Nominee King Gutierrez, Cong. Lani M. Revilla, Cong. Aj Advincula – Imus, Mayor Aguinaldo – Kawit, Mayor Chua – Cavite City, Board Member Ram Bautista.
AKSYON SA TUNAY NA BUHAY