Ang Pistang bayan sa Bacoor ay isang kaugalian bilang pasasalamat sa patron ng bayan na si San Miguel Arkanghel at sa Our Lady of the Most Holy Rosary at ito ay ginugunita tuwing ikalawang linggo ng Mayo. Ang pagdiriwang ay karaniwang binubuo ng dalaw patron, novena mayor,entertainment,pista ng Birhen del Rosario.
Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa, Nagtalaga ang Bacoor Disaster Risk Reduction & Management Office (BDRRMO) ng mga standby Emergency Medical Services (EMS) sa buong ruta ng prosisyon at mga pangunahing lugar ng pagdiriwang. Layunin nitong matiyak na ligtas at maayos ang pagdaraos ng lahat ng aktibidad para sa mga manonood at mga kalahok.
—