Pinangunahan ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ang ika-121 paggunita sa Pagpupulong sa Bacoor 1898 kasabay sa pagdiriwang ng ika-220 kaarawan ni Padre Mariano A. Gomez kaninang umaga. Nagkaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Padre Mariano A. Gomez na sinundan ng paglulunsad ng Bagong Edisyon ng ā€œProclamation: Philippine Independence – The Truth About August 1, 1898 Bacoor Assembly (A Historiographical Inquiry)ā€ na likha ni Dr. Emmanuel F. Calairo. Pinangunahan ni Mayor Lani Mercado Revilla ang paggunita kasama ang ating panauhing pandangal, Senator Nancy Binay.