Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang assessment procedure ukol sa clearing operations na ginanap sa Lungsod ng Bacoor. Nakipagpulong si City Administrator Jerome Oliveros, BTMD Head Gerry del Rosario, at mga kinatawan mula sa PNP, BFP, City Engineering, City Inspection and Compliance Unit, at Business Permit and Licensing Office kay Joseph Ryan Geronimo ng DILG. Maliban sa presentation ng pamahalaang lungsod, nagkaroon din ng site inspection. Matatandaang binigyan ng DILG ang Lungsod ng Bacoor ng High Compliance Rating ukol sa clearing operations.

#ClearingOperation
#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani