Ang Bacoor Strikers Football Team, na kumakatawan sa Bacoor sa Cavite Football Cup para sa mga edad 14 hanggang 17, ay nagbahagi ng kasiyahan sa kanilang pagbisita upang personal na makita at ipahayag ang labis na pasasalamat kay Mayor Strike B. Revilla. Ang koponan ay sinusuportahan ng Sports Development Unit at ng SK Federation sa ilalim ng pamumuno ni SK Federation President Palm Angel Buncio.
Kasama sa mga dumalo sina Coach Nap Cabanero at ang 25 batang manlalaro mula sa iba’t-ibang barangay sa Bacoor. Ipinamalas nila ang kanilang kahusayan sa Cavite Football Cup tournament noong Hulyo 20, 2024, sa Imus Grandstand. Ang torneo ay magtatagal ng isang buwan. Buo ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, para sa ating Bacoor Strikers Football Team!
Mabuhay ang Bacoor Strikers Football Team! ⚽
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.