Mula May 19, 2025 hanggang May 30, 2025, mas paiigtingin ang routine immunization sa CaLaBaRZon. Kaya para sa ating mga magulang at tagapangalaga, pabakunahan na ang inyong mga anak laban sa mga vaccine-preventable diseases!
Para sa malusog na kinabukasan ng mga chikiting, kumpletuhin ang limang bisita sa health center:
✅ 1st Visit: 1½ Months
✅ 2nd Visit: 2½ Months
✅ 3rd Visit: 3½ Months
✅ 4th Visit: 9 Months
✅ 5th Visit: 1 Year Old
Kung sakaling may nakaligtaan na iskedyul ng bakunahan ang inyong anak, agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.