Bacoor City – Noong ika-22 ng Mayo 2024, ginanap sa Office of The Mayor ang seremonya ng pagpapanumpa para sa bagong Barangay Secretary ng Aniban 2.
Pinangunahan ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla ang nasabing seremonya. Si Ma. Lourdes G. Alo ang nanumpa bilang bagong Barangay Secretary ng Aniban 2. Kasama rin naging saksi si Kapitana Isay Enriquez, ang pinuno ng barangay Aniban 2.
Ang bagong Barangay Secretary ng Aniban 2 ay magiging kasangga sa pagpapalago at pag-unlad ng ating barangay. Inaasahan nating magiging tapat at mahusay ang pagganap ni Ma. Lourdes G. Alo sa kanyang mga tungkulin.
Sa ating bagong Barangay Secretary, Ma. Lourdes G. Alo, kami ay nagpaparating ng aming taos-pusong pagbati at pagsuporta. Naniniwala kami sa inyong kakayahan at dedikasyon sa paglilingkod sa ating barangay. Mabuhay po kayo at mabuhay ang Aniban 2!
Maraming salamat at magandang araw sa ating lahat!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.