Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos ang awarding at groundbreaking ng Ciudad Kaunlaran sa Barangay Molino 2, City of Bacoor, Cavite. Kasama ng Pangulo ang mga pinuno ng Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Sangguniang Panlungsod Members at iba pang Barangay Officials na silang nangun para humanap ng kwalipikadong Bacooreño na mabibigyan ng pabahay.
Ang Housing Project na ito ay pinangunahan ng National Housing Authority (NHA) sa pangunguna ni JOEBEN A. TAI – General Manager.
Ito ang kauna-unahang housing Project ni Pangulong Marsco sa taong 2024.
Napaka palad ng Lungsod ng Bacoor dahil mayroong (9) na building na may limang-palapag na gusali. Tinatayang aabot sa 540 housing units na may sukat na 24 sqm kada bahay. Sa konstraksyon ng Phase 2 sa Ciudad Kaunlaran inumpisahan ang (2) Building na may limang Palapag na gusali na bubuo ng 120 housing Units.
Hindi makakamit ng Lungsod ng Bacoor ang proyektong ito kundi dahil sa magandang samahan at pagtutulungan nila Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Board Member Ram Revilla, Sangguniang Panlungsod, Cong. Bryan Revilla, at ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na siyang nakatuon rin sa mga proyekto ni Pangulong Marcos.
Dumalo rin sa okasyon sina Sen. Cynthia Villar, Sen. Francis Tolentino, DHSUD Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, Cong. Jolo Revill Revilla, Governor Jonvic Remulla, Sen. Mark Villar, Cong. Crispin Enaldo, mga Punong Barangay ng Lungsod ng Bacoor, Stakeholders, mga Sk, Kagawad at ibang kawani ng Lungsod ng Bacoor.
Nagpasalamat naman si Mayor Strike B. Revilla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa bumubuo ng National Housing Authority (NHA) dahil sa biyayang ibinigay nito sa mga Bacooreño.
Sa ngayon nakatutok parin ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga programa at proyektong makakatulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.