Isa sa inabangan ng mga Bacooreño noong March 15, 2024 ang pagdating ni Sen. Imee Marcos na siyang naglaan ng pondo para mabigyan ng pinansyal na tulong ang nasa isang libong Bacooreno na galing sa ibat-ibang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Hindi lang pinansyal na tulong ang naganap dahil may seminar at tips din na nilaan ang BDRRMO, BFP, CSWD para makatulong sa kaligtasan ng bawat Bacooreno.
Nagpasalamat naman si Sen. Imee Marcos dahil sa napakainit na pagtanggap ng mga Bacooreño sa muli niyang pag punta sa Lungsod ng Bacoor. Kasama naman ni Mayor Strike B. Revilla si Sen. Imee Marcos na namahagi ng NUTRIBAN sa mga kabataang dumalo sa Strike Gymnasium.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla binigyang diin nito ang mga ordinansa na mahigpit na ipinapatupad para sa kaayusan at kaligtasan ng mga Bacooreno.
Dumalo naman sa programa sila Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, DSWD Salve Consejo, at mga Barangay Official.
Sa huli, nagpasalamat ang mga Bacooreno sa pinansyal na tulong na hatid ni Sen. Imee Marcos at sa DSWD sa kanilang Programang Assistancr to Individual in Crisis Situation (AICS).
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.