Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pamumuno ng ating 24/7 MAYOR STRIKE B. REVILLA, katuwang si Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod (TEAM REVILLA) ay matagumpay na nagsagawa ng pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong residente ng sumusunod na Barangay Talaba 3, Talaba 2, PF Espiritu 1, PF Espiritu 2, PF Espiritu 3, PF Espiritu 4, PF Espiritu 5, PF Espiritu 6, Habay 1, Habay 2, Talaba 1, Maliksi 1, Maliksi 2, Poblacion, Kaingin-Digman, Sinbanali, Mabolo, Dulong Bayan, Mambog 3 at Mambog 4.
Ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan upang maibsan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan dulot ng pagbaha. Habang nagpapatuloy ang pagbibigay ayuda, walang tigil rin ang repacking ng mga relief goods sa tulong ng mga dedikadong kawani ng lungsod at masisigasig na volunteers.
Magsama-sama tayo sa pagbangon. Ingat po tayong lahat!