Lungsod ng Bacoor, Hulyo 7, 2025 – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang awarding ceremony ng mga food cart sa Strike Gymnasium bilang bahagi ng Programang Pangkabuhayan ng City Government of Bacoor. Sa tulong ng Housing Urban Development & Resettlement Department (HUDRD) na pinamumunuan ni Atty. Aimee Torrefrangca-Neri, namahagi ang lungsod ng 10 food cart, tig-isa para sa bawat building mula sa 10 gusali ng Ciudad Kaunlaran sa Barangay Molino 2. Ang mga food cart ay pangkalahatang gagamitin ng mga relocated families na naninirahan sa lugar.
Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na pinamumunuan ni Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, kasama ang mga benepisyaryo na miyembro ng Ciudad Kaunlaran Homeowners Association sa pangunguna ni HOA President Kiel Nieves Mercado. Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilya na magkaroon ng sariling pagkakakitaan at mapabuti ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng mga food cart na ito.
Inaasahan na ang mga food cart ay magiging malaking tulong sa mga relocated families upang magkaroon sila ng dagdag na pagkakakitaan at mas mapaunlad ang kanilang buhay. Patuloy ang City Government of Bacoor sa pagsuporta at pagbibigay ng mga programang magbibigay ng oportunidad sa mga mamamayan nito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.