Matagumpay na nailipat ang mga pamilyang apektado ng proyektong LRT Line 1 South Cavite Extension patungong LRTA Subdivision, Barangay Santiago, General Trias, Cavite mula pa noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 4, 2025. Nasa kabuuang 552 pamilyang relocatees mula sa Sitio Kanluran at Sitio Centro ng Zapote 3, Barangay Niog, Sitio Samana ng Talaba 2, Tabing Ilog (Future Station) at Aguinaldo High Way.
Sa tulong ng mga inter-agency committee at pamahalaang lokal tiniyak ang maayos at ligtas na proseso ng relokasyon.
Ang proyektong ito ay isinakatuparan sa aktibong pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga ahensyang pambansa, habang sinusuportahan ng buong pwersa ni Mayor Strike B. Revilla na patuloy na nagpapakita ng konkretong aksyon at malakasakit sa mga pamilyang BacooreƱo lalo na sa panahon ng pagbabago’t paglipat ng tirahan.