Noong Agosto 14, 2024, pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla at ni Governor Jonvic Remulla ang pamamahagi ng tulong pinansyal at relief goods sa 1334 mangingisda sa Lungsod ng Bacoor. Ang tulong na galing sa Pamahalaang Lalawigan ng Cavite katuwang ang Pamahalaan ng Bacoor ay nagkaisa para matugunan ang pangangailangan ng mga mangingisda sa Bacoor.
Sa minsahe ni Mayor Strike B. Revilla patuloy na gumawa ng paraan ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para matugunan ang problema ng mga mangingisda sa kanilang mga pinagkukunan ng pagkakakitaan.
Sa minsahe naman ni Governor Jonvic Remulla patuloy na nakikipag ugnayan ang Lalawigan ng Cavite sa mga apektadong Bayan at Lungsod para matugunan ang problema sa Oil Spill.
Kaisa rin sa progrma sila Konsi Karen Evaristo, Konsi Alde Pagulayan at si sir. Alan Chua na siyang nangangasiwa ng departamento ng Agriculture.
Sa ngayon patuloy ang pag subaybay ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga mangingisda lalo na sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.