Pinangunahan ni Cong. Lani M. Revilla kasama ang Sangguniang Panlungsod Members ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga Bacooreñong benepisyaryo ng AKAP. Ang programang ito ay binigyang katuparan ng opisina ni Congresswoman Lani M. Revilla. Umabot sa 1,300 ang nabigyan ng tulong pinansyal para magamit sa kanilang pangangailangan.

Namahagi rin ng AYUDA, tulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mga nasunugan sa Barangay Panapaan 4.
Katuwang sa pamamahagi ng tulong ang buong Team Revilla sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at Sangguniang Panlungsod Members.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay patuloy na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga Bacooreño.