Ipinamahagi noong ika-9 ng Agosto 2024, ng City Government ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang Office of Vice President Inday Sara Duterte, ang relief packs para sa mga biktima ng sunog sa Sitio Wawa 1, Barangay Zapote 3.
Kasama ni Mayor Strike sa programa sina Konsehala Karen Sarino Evaristo, Konsehal Mike Solis, Konsehal Adriel Gawaran, si Mr. Noly Galvez – BDRRMO Assistant Head, si Kap. Erning De Rosas, at iba pang opisyal ng barangay.
Mahigit sa 600 pamilya ang biktima ng sunog na lubos na naapektuhan ng trahedya ang tumanggap ng tulong at suporta. Ang pamamahagi ng relief packs ay nagtaas ng pag-asa at pagkakaisa sa gitna ng nararanasang pagsubok ng mga pamilyang nasunugan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.