Bacoor City – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pamamahagi ng mga relief goods at pinansyal na tulong para sa mga biktima ng sunog katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD). Kasama rin sa aktibidad si Kap. Jeffrey CampaƱa ng Barangay Molino 4 bilang saksi sa pagbibigay ng tulong.
Nagbigay ang mga ito ng tulong sa 63 mga biktima ng sunog, kung saan 36 sa kanila ay mula sa Molino 4, Molino 6 mula sa Talaba 1, at 1 mula sa Molino 7.
Layunin ng aktibidad na ito na ipamahagi ang mga relief goods at pinansyal na tulong sa mga biktima ng sunog upang maibsan ang kanilang pangangailangan.
Naganap ang pamamahagi ng mga relief goods at pinansyal na tulong noong ika-14 ng Mayo 2024, at nagdulot ito ng pag-asa at ginhawa sa mga pamilyang apektado ng sunog.
Patuloy ang pagsisikap ng Office of the Mayor at CSWD sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla upang magpatuloy na maglingkod at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa Bacoor City.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.